Lolit Solis Naawa Kay Sylvia Sanchez Dahil Sa Natatanggap Na Bashing

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng saloobin ang veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis patungkol sa natatanggap na pambabatikos ng aktres na si Sylvia Sanchez kasunod ng pagsikat ng kanyang mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde.


Sa Instagram post ni Manay Lolit Solis, inihayag niya ang kanyang awa kay Sylvia Sanchez. 


Ayon pa kay Manay Lolit Solis, may nababasa siyang mga komento na nagbago na umano si Sylvia nang maging successful ang private at career life ng kanyang mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde.


"Alam mo ba Salve na kawawa naman si Sylvia Sanchez dahil sa ginagawa ng ilan na panay ang sabi na nagbago na ito mula ng maging tagumpay ang mga anak na sila Arjo ar Ria Atayde."


Hindi naman naniniwala si Manay Lolit na may nagbago sa ugali nito dahil noon pa man ay napaka humble na umano nila ng kanyang asawang si Art Atayde.


"Dahil kahit hindi namin madalas makita si Sylvia at Art Atayde mukha naman ganuon parin sila, mabait at very kind. Lalo na si Sylvia na eversince very humble kaya hindi kami makapaniwala na nagbago ng ugali."


Pinuri rin ni Lolit ang mga banat ni Sylvia Sanchez sa kanyang bashers at sa mga bashers ng kanyang mga anak.


"Pero maganda naman ang atake ni Sylvia na keber lang wah siya affected dahil alam niya na basta kilala siya ng tao hindi maniniwala na magbabago siya. Same Sylvia Sanchez parin, mabait na asawa ni Art Atayde."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo