AlDub Loveteam, Hindi Pang Real Naging Kult0 Na?

Martes, Mayo 2, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan pa rin ngayon ang mga naging pahayag ng aktres na si Liza Soberano tungkol sa naging loveteam culture ng Pilipinas umano na nagsimula noong 1980's.


Ayon pa kay Liza Soberano, minsan toxic na rin ang pagkakaroon ng loveteam. Kung saan napipilitan umano silang magpakitang mahal ang isa't-isa on or off cam.


Ipinahayag din ng actress na habang nasa iisang love teama y hindi maaring makipagdate sa iba ang talents kung ayaw na talikuran ng lahat.


Bagama't may katotohanan naman ang naging pahayag ni Liza Soberano tungkol sa mga dapat gawin habang nasa iisang loveteam. Hindi pa rin napigil ng ilan na maitanong kung ano ang nirarant nito gayung totoo naman silang nagkaroon ng relasyon ng dating kaloveteam na si Enrique Gil.


Ayon pa sa ilang mga netizens mas may karapatan pang magrant si Maine Mendoza tungkol sa pagkakaroon ng loveteam dahil hanggang ngayon ay ginugulo pa rin siya ng mga AlDub Fans at tila pinipilit pa ng mga ito ang imaginary love story nila ni Alden Richards.


Matatandaan na noong 2015, tinalbugan ng AlDub ang halos lahat ng loveteam sa mundo ng showbiz sa bansa. Marami ang paniwalang-paniwala na totohanan na ang naganap sa pagitan ng dalawa.


Subalit, tila naging “mala-kulto” na ang pagtrato ng ilang AlDub fans, lalo na ang mga nakatatanda, kina Alden at Maine at naniniwala pa silang mag-asawa’t may anak na ang dalawa.


Bagama't ilang beses nang pinabulaanan ng dalawa ang pagkakaroon nila ng relasyon at anak tila sarado na ang isip ng ilang mga fans.


Anyway, ayon sa mga netizen, mas may karapatang kumuda si Maine patungkol sa love team subalit mas pinili nitong manahimik at huwag magsalita patungkol sa kalakarang ito sa Philippine showbiz.


Ipinunto pa ng ilan ang pagpipilit kina Alden Richards at Maine Mendoza sa isang relasyon gayung una pa lamang ay nilinaw na ng dalawa na wala namang namamagitan sa kanila.


"‘What’s with the loveteam issue ba? Ang tunay na magaling na artista kahit nasa loveteam or wala talagang magniningning ‘yan kasi nga MAGALING. It’s just a matter of patience. Kasi dadating ang time mo for individual project(s) kahit nagsimula ka sa loveteam.“


“Sa totoo lang ang may karapatan na magreklamo ay si Maine Mendoza lang kasi kulto na yung loveteam niya. Hahahahaha.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo