Kakai Bautista Pinayuhan Si Rendon Labador Na Magpatingin Na Sa Doktor

Linggo, Mayo 21, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi na nakapagtimpi ang aktres na si Kakai Bautista at hayagan nang pinayuhan si Rendon Labador na magpatingin na sa Doktor dahil sa kung ano-ano na lamang ang pinagsasabi nito  sa social media.


Matatandaang ilang artista na rin ang binanatan ni Rendon Labador kahit pa nanahimik lamang ang mga ito. Ilang isyu na rin ang sinawsawan ni Rendon Labador na siyang ikinainis ng ilang mga netizens.


Kamakailan lamang ay binanatan ni Rendon ang veteran comedian na si Michael V. Kasunod nito ay ang pambabatikos ni Rendon sa mga artistang nagtanggol rito.


Maging si Ben Tulfo ay kinanti na rin ni Rendon Labador at hinamon pang ipakulong siya kung kaya nito gayung wala naman umano siyang ginagawang mali at hinding-hindi siya uurong.


“Wala akong pakialam sa inyong lahat kahit magkampi-kampihan pa kayo diyan, gusto ko lang sabihin ang opinyon ko. Anong “enforcer ng media”? Edi pahuli mo ‘ko para magkaalaman tayo, hindi kita uurungan.”


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at maging ng mga celebrities ang nasabing pahayag ni Rendon Labador.


“Kapatid, PATINGIN KANA. #PrayersForRendon,” komento ni Kakai.


Sinegundahan naman ito ng ilang mga netizens at ipinahayag na tila nangangailangan na talaga si Rendon ng professional help.


"PRAY FOR RENDON"


"Lumalala na nga taalga siya haha hindi kase nagkakanin Yan kahit nagtitinda Ng Motivational Rice niyang hindi naman siya nakain"


"Sabi nga ni ghost wrecker kakalabas lang daw niya sa mental kaya siya ganyan"


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkomento si Kakai Bautista sa mga pinagsasabi ni Rendon Labador.


“Wag masyadong mataas ang lipad kapatid. Sa industryang ito, hindi na din nagma-matter ang KASIKATAN, and pinakaGoal ay kung sino ang MAGTATAGAL."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo