Leni Robredo Nagbubunyi Sa Pagkaka-Acquitted Ni Leila de Lima

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Agad na nagreact ang dating Vice President ng Pilipinas na si Leni Robredo, matapos pumutok ang balitang ng acquittal o pagwawalang sala ng dating senador na si Laila de Lima.


Ayon kay Leni Robredo, maituturing na 'tagumpay ng katotohanan' ang pagkakawalang-sala ni Laila de Lima sa isa sa dalawang natitirang drug case na inihain ng Department of Justice (DOJ) noong 2017.


Ayon pa kay Leni Robredo, palagi siyang nakakadalo sa lahat ng mga pagdiriwang sa pagkapanalo ni Laila de Lima sa isa pang kasong ibanabato sa kaniya.


“Tagumpay ito ng katotohanan pagkatapos ng mahigit na anim na taon ng paninira at kasinungalingan laban kay Sen Leila, na ang tanging kasalanan lang ay ang matapang na pagtindig para sa tama,” pahayag ng dating Vice-President.


Dagdag pa ni Leni Robredo, na noon pa man ay buo na ang kanyang paniniwalang mapapawalang sala si Laila de Lima sa lahat ng mga kasong isinampa sa kanya.


“Sa kabila ng anim na taon na siya’y inipit at pinahirapan, nanindigan ako na darating ang araw na mababawi niya ang kanyang kalayaan at mabuting pangalan.”


“Ang pagbasura sa kasong ito, bunga ng kawalan ng kahit anumang ebidensiya laban sa kanya, ay malinaw na hakbang tungo sa araw na ito.”


Maging sina Kiko Pangilinan at iba pang kapartido nina Leni Robredo at Laila de Lima ay nagpahayag din ng kanilang kasiyahan sa pagkakawalang sala ni Laila de Lima.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo