Kwento Sa Likod Ng Biglaang Pagbabago Sa Tala Dance Step Ni Sarah Geronimo

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Lovely


 Naging matagumpay ang 20th anniversary concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na ginanap sa Smart Araneta Coliseum nitong byernes May 12, 2023.


Gayunpaman, hindi nakaligtas sa mga manonood ang pagbabago ng dance steps sa hit song ni Sarah Geronimo na Tala.


Matatandaan na noon pa mang buwan ng April, sold-out na ang tickets para sa nasabing concert ni Sarah Geronimo. Muling pinahanga ni Sarah G. ang kanyang mga avid fans at muling ipinakita ang kanyang galing sa pagkanta at sa pagsayaw.


Subalit, ang hindi naman maitago ng ilang mga manonood ang kanilang pagtataka kung bakit nagbago na ang dance steps ng kanyang hit song na Tala.


Bagama't marami naman ang nagsasabing mas maganda na ngayon ang choreograph ng Tala, hindi pa rin nila maiiwasan na mapatanong kung bakit bigla na lamang pinalitan ng singer ang dance steps.


Marami rin ang humahanga kay Sarah Geronimo dahil kaagad niyang natutunan ang panibagong choreograph ng Tala sa maikling panahon lamang.


“Solid ng steps considering na hindi pa yan super polished kase siyempre mahirap mag adjust sa dating choreo na nakasanayan pero ang galing ni Sarah hindi siya nalilito,” komento ng isang netizen.


Dahil sa biglaang pagbabago sa Tala dance steps naglabas ng samu't-saring espekulasyon ang mga netizens.


Ayon sa ilan na, kaugnay ang pagbabagong ito sa umano'y misunderstanding sa pagitan nina Sarah Geronimo at Georcelle Dapat-Sy na mas kilala bilang si Teacher Goercelle.


Si Teacher Goercelle ang naging dance choreographer ni Sarah sa hit song na Tala. 


Naging usap-usapan ang pagbabanta ni Teacher Georcelle na magdedemanda sakaling gagamitin muli ni Sarah ang ginawa niyang dance steps ng Tala.


“Grabe din si TG no? If totoo yung 150k for dance steps, grabe sya. Hindi sumikat si SG sa pagiging dancer kundi sa pagiging singer..bonus na magaling syang sumayaw..bat umabot sa ganun?hindi natin alam ang kwento sa likod pero if totoo yung 150k..grabe sya,” pagpupunto ng netizen.


Ang panibagong dance steps ngayon ng Tala ay ginawa ng dating G-Force Member na si Marc Devon.


Samantala, hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina Sarah Geronimo at Teacher Goercelle hinggil sa kanilang isyu.



@solamitaofficial SARAH G "TALA" New Choreography #SarahGeronimo #fibaworldcup2023 #Viral #fypシ #Fyp #trending #trends #CTTO ♬ TALA By SARAH GERONIMO - Instagram: Solamita_007

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo