Erap Estrada, Sinugod Sa Ospital Dahil Sa Iniindang Karamdaman! Nakakaawa Si Erap!...

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Jerome

 


Isang malungkot na balita para sa mga tagasuporta ng dating pangulo ng Pilipinas na si Erap Estrada.


Ito nga ay matapos na mapabalitang isinugod sa hospital ang dating Presidente ng Pilipinas, matapos daw itong makaramdam ng panghihina ng kanyang katawan, paninikip ng dibdib at pagkahirap sa paghinga.


Ayon naman sa pamilya ng dating presidente na buti nalang daw ay agad nilang na isugod sa hospital si Erap, dahil kung nagkataon nga daw na natagalan ay baka daw mauwi sa hindi inaasahan ang sasapitin ng dating presidente.


Sa ngayon ay patuloy parin na inu-obserbahan ng mga doctor ang kundisyon ng dating presidente, habang nagpapagaling sa hospital.


Samantala, maraming mga netizens naman ang nagpaabot ng kanilang panalangin, at sa tuloyang paggaling ng dating presidente ng Pilipinas.


Nagbigay din ng bagong update ang anak nitong si Senator Jinggoy Estrada.


Ayon sa kanya na maayos na daw ngayon ang lagay ng kanyang ama at nagpapasalamat din daw ang kanyang ama sa lahat ng mga taong nagdarasal namabilis ang paggaling ng dating presidente.


Joseph Ejercito Estrada, ay ipinanganak noong Abril 19, 1937), kilala rin sa palayaw na Erap, siya ay isang Pilipinong politiko at dating aktor. 


Naglingkod siya bilang ika-13 pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001, Siya din ay naging ika-9 na besi presidente ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998, at ang ika-26 na Alkalde ng Lungsod ng Maynila, ang kabisera ng bansa, mula 2013 hanggang 2019. 


Noong taong 2001 naman , siya ang naging unang punong ehekutibo sa Asya na pormal na na-impeach at nagbitiw sa kapangyarihan.


Sa ngayon sa edad na 85, siya ang kasalukuyang pinakamatandang nabubuhay na dating Pangulo ng Pilipinas.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo