Kumpirmado! Coco Martin at Julia Montes Aktwal Na Umamin Sa Relasyon Nilang Dalawa!

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Jerome

 


Sa wakas ay umamin na sina Julia Montes at Coco Martin sa kanilang relasyon, na umabot na pala ng labing dalawang taon o 12 years, hanggang ngayon.


Ito nga ang magandang balita ngayon na ikinatuwa ng maraming mga tagahanga ng dalawa.


Dahil sa wakas nga ay inopen na nila sa publiko ang kanilang relasyon.


Noon paman ay napababalita na ang tungkol sa kanilang relasyon, pero kahit kailan ay hindi naman nila ito inamin sa media.


Sa katunayan nga ay isinisekreto nila ang kanilang relasyon, at nagtatago ng muka sa tuwing lalabas sila ng magkasama.


Tulad na lamang nga noong magbakasyon silang dalawa, na kung saan ay makikitang nakashades na nga may mask at sumbrero pa silang dalawa.


Ngunit nito lamang premier night ng pelikulang Unbrea My Heart ay ginulat nang magkasintahang Coco at Julia ang mga netizens, nang sabay silang dumating at naka holding hands pa.


Tila ito na nga ang panahon na handa na silang umamin sa kanilang pagsasama.


Kung kukuwentahin ay lumalabas na 16 years old palang si Julia noong naging magkasintahan sila ni Coco Martin, at habang si Coco naman ay nasa 29 years old noong mga panahong iyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo