Vic Sotto Hindi Pa Naiisipang Magretire Sa Showbiz Career

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ni Bossing Vic Sotto na hindi pa niya naiisipang iwan ang kanyang showbiz career sa kabila ng kanyang edad.


Si Vic Sotto ay kasalukuyang 69 years old na kaya marami ang napapatanong sa kanya kung hindi pa ba siya magreretire.


Pabiro pang sinasagot ni Bossing Vic Sotto na ang bagong retirement age ngayon ay nasa 80 years old na.


"Ang senior ngayon 80 na ha hindi 60. Sabi mo nga, marami akong nagawa, marami akong natulungan... ang sagot ko lang dun, marami pa. Marami pa akong magagawa, marami pa akong matutulungan, marami pa akong mae-entertain. Retirement is... malayo, malayo sa isip ko," saad ni Vic Sotto.


Kamakailan lamang ay naging matunog ang pangalan nina Vic Sotto, Tito Sotto at Joey De Leon dahil sa naganap na internal conflict sa longest running TV-show na Eat Bulaga.


Ayon sa mga naunang naiulat, binabalak ng panibagong namumuno sa TAPE Inc. na palitan ang TVJ sa show. Subalit, nanindigan ang TVJ na hindi sila maaring tanggalin sa Eat Bulag dahil sila ang original na bumuo nito at nasa kanila ang copyright credits ng show.


 Dahil dito, isiniwalat ni Tito Sotto na may utang pa kay Vic Sotto ang TAPE dahil ilang taon na itong hindi nakakatanggap ng sweldo.


Gayunpaman, muling nilinaw ni Vic Sotto na binabayaran na siya ngayon ng TAPE Inc.


Hindi pa naman kumpirmado ang isyung lilipat ng panibagong tahanan ang Eat Bulaga dahil sa tila hindi pa rin nawawalang internal conflict.


Si Marvic Valentin Castelo Sotto, na mas kilala sa telebisyon bilang si Vic Sotto, ay isang Filipino actor, singer at comedian. Kilala rin si Vic Sotto sa maraming pelikula at teleseryeng kanyang kinabibilangan Philippine television networks GMA, TV5, and ABS-CBN.


Hindi malilimutan ang kanyang pagganap sa papel ni Enteng Kabisote kung saan naging leading lady niya ang naging asawa ng kanyang anak, na si Kristine Hermosa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo