Kilig Ang Reaksyon Ng Team Zebby Sa Lovelife Ni Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr.

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Jerome

 


Kinumpirma na ng Fil-Am professional basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. na nililigawan na niya ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake.


Makikita nga sa ibinahaging video ni Bobby sa kanyang social media account na masaya silang nag-uusap habang inaayos nito ang buhok ni Zeinab.


Dito din ay nabanggit nito na nililigawan na nito ang vlogger na si Zeinab Harake.


Sanasabing video nga ay hindi na napigilan ng kanilang mga tagahanga at ng Team Zebby ang kiligin sa dalawa.


Sa comment section naman ng nasabing post ay  puro positibo ang mga naging reaction ng mga kaibigan ng vlogger para sa kanyang bagong buhay pag-ibig.


Talagang butong-buto ang mga kaibigan ni Zeinab kay Bobby Ray Park Jr. dahil na kasama na daw nila ito sa Japan.


Ang basketball prayer na nga na ito ang bagong nagpapatibok sa puso ng vlogger na si Zeinab Harake.


Samantala, hindi naman naniniwala ang ilang mga netizens na nanliligaw palang, itong si Bobby Ray Parks Jr. kay Zeinab.


Dahil kung pagbabasihan daw ang video at kuhang mga larawan nila na magkasama ay mukha daw na in relationship na ang dalawa dahil napakasweet na daw nila sa isa't-isa.


Maging ang anak ni Zeinab na si Lucas ay tila malapit na din sa basketbolista, dahil may kuha na ding mga larawan ang dalawa na magkasamang nagbonding.


Agaw pansin din ang naging post ni Bobby Ray Parks Jr. na may nakasulat na, "I'm not the step Father, I'm the Father that stepped up."


Kaya hiling naman ng mga fans ni Zeinab na sana ay alagaan, mahalin at paligayahin na nitong si Bobby Ray Parks Jr. si Zeinab, dahil deserve na daw nitong maging masaya.











Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo