Tuloy Ang Pakikipag-Negotiate Ng Tropang LOL sa Net25!

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Lovely


 Tinuloy na ng Brightlight productions noontime show na Tropang LoL ang kanilang pakikipagnegosasyon sa Net25 dahil nagwakas na ang stint nila sa TV5 matapos ang mahigit dalawang taon.


Bagama't naging maikli lamang ang naging panahon ng pagpapalabas ng Tropang LOL marami pa rin sa kanilang avid viewer ang naghahangad na muli itong mapanood kahit pa sa ibang network na.


Matatandaan na nitong April 29, 2023 ipinalabas ang last episode ng Tropang LOL na ikinalungkot ng mga manonood at mga host.


Matatandaan ring nag-viral pa ang 'biro' ni Alex Gonzaga, isa sa mga host ng Tropang LOL tungkol sa kasunod nilang show na It's Showtime. Biniro din ni Alex Gonzaga si Billy Crawford na baka ay babalik na din ito sa It's Showtime dahil nagwakas na ang kanilang show.


Sa pamamaalam ng Tropang LOL, pumalit sa kanilang dating timeslot ay ang It's Showtime.


Kasunod ng pagtatapos ng Tropang LOL sa TV5, may panibagong opportunities naman na nagbukas para sa kanila. Ibinahagi ng Tropang LOL supervising producer na si Ms. Pat-P Daza ng Brightlight Productions na may nangyayari nang negosasyon sa pagitan nila at ng NET25.


Gayunpaman, wala pang finality, sa kung ano na nga ba ang mga napag-uusapan ng magkabilang panig.


Sa ngayon ay mas inuuna umano ng productionscompany ang kanilang pangunahing layunin na mabigyan kaagad  ng trabaho ang mga staff at host ng Tropang LOL. 


Nauna nang ipinahayag ng mga host ng nasabing show na totoong magkapamilya na ang kanilang turingan.


Samantala, may lumalabas ngayon balita na sa pagkakalipat umano ng  Tropang LOL sa Net25, magkakaroon ito ng mga restrictions.


Nilinaw ng presidente ng network na si Caesar Vallejos na commercial network sila pero gusto nilang maging wholesome ang kanilang entertainment programs.


“As a commercial TV station, we accept sponsorships, we accept TV advertising and we get corporate sponsors. So our programming is in the general entertainment cluster. Hindi kami doon sa… we are not supposed to be in the news and religious cluster.”


Handa rin naman umano ang Tropang LOL na sumunod sa mga guidelines ng Net25 sakaling makakalipat sila rito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo