BB Gandanghari Sinabing Walang Maganda Kay Vice Ganda! Kay Dapat Vice Tanda Ang Itawag Rito!

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Lovely


Mukhang hindi pa nagtatapos ang pambabatikos ni BB Gandanghari, dating kilala bilang action star na si Rustom Padilla, kay Vice Ganda.


Binalikan ng ilang mga netizens ang naganap na palitan ng maanghang na pahayag sa pagitan nina Vice Ganda at BB Gandanghari noong kakasimula pa lamang ng komedyanteng si Vice Ganda sa industriya.


Sa  isang live stream sa social media account ni BB Gandanghari sinagot niya ang ilang mga kritisismo ni Vice Ganda laban sa kanyang pag-aaral ng modeling sa edad na 40 years old.


Matatandaan na nagbigay ng komento noon si Vice Ganda tungkol sa desisyon ni BB Gandanghari bago mag-aral ng modeling sa ibang bansa. Tinanong pa ni Vice Ganda kung bakit nagpursige pa ito na pumasok sa fashion scene sa kabila ng pagiging matanda na.


“Nag modeling school sa new york yata, bakit mag momodela? Ngayon siya magmo-modeling nasa 40s diba medyo may edad na,” saad ni Vice Ganda para sa desisyon ni BB Gandanghari.


Samantala, matapos ang matagal na pananahimik nagbigay na ng pahayag si BB Gandanghari sa pambabanat ni Vice Ganda sa kanya at sa kanyang desisyon.


Binanatan din niya ang komedyante na hindi nito deserve na tawaging 'ganda' dahil wala namang maganda rito.


“Any term na ganda shouldn’t be related to him, kasi walang maganda sa kanya, hindi ako nangunguyta, but really, base sa mga napapanood ko at nakikita ko, minus the wig, honestly maganda ‘yung wig, walang maganda,” saad ng dating action star.


“So hindi siya si Vice Ganda, from now on, we shall call this person Vice Tanda, siya si Vice Tanda,” dagdag pa ni BB Gandanghari.


Maging ang pagtawag umano kay Vice Ganda na 'kabayo' ay hindi rin niya gagawin dahil mahal niya ang mga kabayo.


“There’s a time to be quiet, and there’s a time to speak. And I think, it’s time to speak … ‘Yan ‘yung mga sinasabi ko noon na tinatanggap ng isang indibidwal na kagaya ko, who happens to be transgender, and unfortunately it is coming from the LGBTQ community!,” sabi ni BB.


“E kung babalikan n’yo ‘yung panahon na ‘yan, hindi pa siya Vice Ganda niyan. Sumasakay, kasi ito yung panahon na ang balita, ang sensation noon si BB Gandanghari. ‘Yan ‘yung sumasakay, at gumamit ng mga hurtful words."


"Walang pinagkaiba sa mga haters, sa mga trollers. Isa naman siya dun, doon siya nanggaling, ‘yun ang ikinasikat niya. Ako ang itinroll niya, at ngayon, magmamaganda!”


Nang maitanong naman sa kanya ng ilang fans kung bakit niya binabanatan ngayon si Vice Ganda matapos ang ilang taon na nakalipas mula ng banatan siya noon ng huli.


“Ayaw mong tanggapin ang pagkababae ko, kukuwestyunin mo. Eh, wala ka naman palang sense. Masuwerte ka at sumikat ka, dahil bobita ka, `yun lang ang masasabi ko sa’yo,” saad pa ni BB Gandanghari.


“Anong ibig mong sabihin na ang pagiging babae ay sinasarili? Ano parang ikaw? Pagdating mo sa kwarto ay naka-bra ka gano’n? Ipokrita,” dagdag pa nito.


Samantala ang naging pahayag na ito ni BB Gandanghari ay noon pang 2020 nangyari.


Gayunpaman, hindi pa rin malinaw hanggang ngayon kung nagkaayos na ba ang dalawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo