Ben Tulfo at Rendon Labador Tuluyan Nang Nagkainitan!

Linggo, Mayo 21, 2023

/ by Lovely


 Tila tuluyan nang nagkainitan sina Ben Tulfo at Rendon Labador.


Bago pa man ang lahat, may lumabas na fake news kung saan pinagsabihan umano ni Ben Tulfo si Rendon Labador tungkol sa pambabatikos ng huli kay Michael V.


Subalit, agad itong sinagot ni Rendon Labador at sinabing kung hindi pa lumabas ang fake news ay hindi niya malalaman na may kapatid pala si Sen. Raffy Tulfo.


Tila hindi naman natanggap ng pride ni Ben Tulfo ang bwelta ni Rendon Labador kaya naglabas siya ng pasaring na hindi siya pumapatol sa mga babae.


Sakabilang banda, muli ay naglabas ng pahayag si Ben Tulfo sa kanyang programang Bitag at tila pinagbantaan si Rendon Labador na huwag galawin ang kanyang mga kaibigan sa mainstream media.


“Wala ka pang kasalanan sa akin.. pero ayon sa aking barberong si Mang Igme, may mga sinasabi ka raw, hindi ka pumapatol sa matanda. Ah, gano’n? Meron lang ako maipapayo sa’yo, huwag mong kakantiin ang mga kauri ko sa industriya ng mainstream media!”


Agad naman itong sinagot ni Rendon Labador at sinabing hinamon pa si Ben Tulfo na ipakulong siya kung sakaling mali ang kanyang mga pinaggagagawa.


“Wala akong pakialam sa inyong lahat kahit magkampi-kampihan pa kayo diyan, gusto ko lang sabihin ang opinyon ko. Anong “enforcer ng media”? Edi pahuli mo ‘ko para magkaalaman tayo, hindi kita uurungan.”


Dagdag pang hamon ni Rendon Labador kay Ben Tulfo, handa siyang magpunta mismo rito upang hindi na ito mahirapan sa paghagilap sa kanya.


“Kung gusto mo, ako pupunta diyan para hindi ka na mahirapan.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo