Angeline Quinto, Ipinaliwanag Na Ang Kanyang Viral Blooper Sa ASAP!

Linggo, Mayo 14, 2023

/ by Lovely


 Ipinaliwanag na ng singer na si Angeline Quinto ang kwento sa likod ng viral bloopers niya sa ASAP.


Matatandaang, kinatuwaan ng ilang mga netizens ang 'lutang' moment ni Angeline Quinto sa ASAP.


Sa kumakalat na video makikita ang pagdaan ni Angeline Quinto sa likod nina Klarisse De Guzman at Jed Madela habang nagpi-perform.


Agad namang umalis si Angeline ng napagtanto niyang hindi pa pala sana siya dapat pumasok.


Nauna na nang sinabi ni Angeline na normal lamang ang pagkakamali, at nakikita ito ng tao lalo na't live performance ang naganap.


“Ganyan talaga pag live anu po? Yung tawa ko mag isa sa backstage di ko na alam saan ako pupunta.”


Dagdag pang biro ni Angge, “Patuloy ang paglakad este PANGARAP pala.”


Samantala, isang netizen naman ang diretsahang nagtanong kay Angeline kung ano ba talaga ang nangyari at bigla siyang pumunta sa gitna ng production number nina Klarisse at Jed Madela.


“Hindi kasi kami nasabihan agad na kami na ang susunod na prod. Pag-akyat ko ng stage narinig ko intro na ng kanta ni Kuya Jed, ayun umexit ako ulit,” paliwanag ng singer.


Gayunpaman,marami naman ang napasaya at napatawa ni Angeline sa kanyang viral wow mali moment sa ASAP.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo