Rendon Labador Tinawag Na Laos Na Sina Michael V.

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Lovely


 Tila may panibagong target na naman ang social media personality at motivational speaker na si Rendon Labador sa kanyang mga pambabanat online, ito ay walang iba kundi si Michael V.


Sa kanyang Facebook post, nagreact si Rendon Labador sa mensahe ni Michael V. na kilala rin bilang si Bitoy para sa mga content creator.


Pinayuhan ni Bitoy ang mga content creators na bago gumawa ng mga content ay alamin muna nila ang kahulugan ng content.


“The first thing any ‘content creator’ should understand is the meaning of the word: ‘content’,” pahayag ni Michael V.


Agad naman itong sinagot ni Rendon at ipinunto pang laos na ngayon si Bitoy. Dagdag pa ni Rendon na ang mainstream ngayon ay ang social media na. Mas sikat na rin umano ang mga influencers kaysa sa mga celebrities na nakikita lamang sa TV.


“INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content.. Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM,” saad ni Rendon.


Agad naman itong inalmahan ng ilang mga netizens at pinagsabihan pa si Rendon Labador na huwag si Bitoy ang kantiin.


Muli, umani ng pambabatikos si Rendon Labador dahil si Michael V. naman ang kinanti nito ngayon matapos ang pambabanat niya kay Coco Martin.


“Lods wag yan… Bitoy yan.”


“Si Michael V lang ang matalinong comedian na hindi nanlait or nanira ng tao para makapagpatawa. Yung sense of humor and words of wisdom na meron sya sobrang nakaka inspire. Nakakahiya naman sayo.” 


"pag matalino ka gaya ni Bitoy never kang malalaos...at si Bitoy di malalaos dahil he continues to evolve at if ever man malaos dahil sumikat sya in a very positive, motivating and inspirational way...ganern"


"Anong “we” e laughingstock kalang naman sa content creation industry."


Beethoven Del Valle Bunagan na mas kilala bilang si Michael V. and also known as Bitoy, ay isang Filipino actor, comedian, at recording artist. Ipinanganak siya noong December 17, 1969. 


Kabilang din siya sa GMA Network show na matagal nang umiere na Bubble Gang at Pepito Manaloto.


Nakilala rin siya sa kanyang literal "translations" and parodies sa mga sikat na mga Filipino at foreign songs. Gumawa rin siya ng sariling kanta, kabilang na ang "Sinaktan Mo ang Puso Ko" at "Hindi Ako Bakla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo