Joross Gamboa Binuking Ang Content Creator Na Scripted Rin Ang Pagtulong

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Lovely

Ibinunyag ng Kapuso actor na si Joross Gamboa na may nakikita siyang mga content creators na gumagawa ng mga pagtulong subalit scripted lamang pala ang lahat.


Sa naging guesting ni Joross Gamboa sa ‘Just In’ ni Paolo Contis, isiniwalat niya na hindi siya naniniwala sa mga content ng ibang mga content creators na nagpapakita ng kabutihan sa kapwa. May mga nagbibigay umano ng pera, cellphone at kung ano-ano pa pero ang tanong totoo kaya.


Dagdag pa ni Joross na kung totoo sila at taus puso ang kanilang pagtulong sa kapwa dapat ay hindi sila humihingi ng mga kapalit.


“‘Yung iba gumagawa lang ng kabutihan, may kapalit, views,” saad ni Joross.


Nagbigay pa ng halimbawa si ang aktor, kung saan nalaman niyang scripted lang ang isang content na nag-viral na pagsagip sa mga tuta.


“Ultimo nga nauuso ‘yung sumasagip ng mga tuta. Sini-set lang pala nila ‘yon. Halimbawa ‘yung ilulubog sa putikan tapos kunwari dadating, ililigtas, huhugasan.”


Gayunpaman, nilinaw naman ni Joross na hindi niya nilalahat ang mga sumisikat na content creators dahil sa pagbibigay ng tulong sa kapwa. May mga content creators rin naman umano na totoong galing sa puso ang pagtulong sa mga taong kapos at nangangailangan.


“‘Yung iba kasi, totoo naman, for inspiration. Gumawa ka, para ma-inspire ‘yung ibang tao na tumulong. Pero hindi natin puwedeng paniwalaan lahat,” pahayag pa ng aktor.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo