Jomar Lovena, Pinabulaanan Ang Isyung May Relasyon Sila ni Sachzna Laparan

Linggo, Mayo 21, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang content creator na si Jomar Lovena sa isyung kinakasangkutan sa pagitan ng kanyang kinakasama na si Veybillyn Gorens at dating ka-collab sa mga vlogs na si Sachzna Laparan.


Matatandaan na naging malaking usapin sa social media ang sagutan nina Veybillyn at Sachzna dahil sa selos. Ang pagseselos ni Veybillyn ay nag-ugat sa isang ipinadalang video kung saan makikitang tila nilalandi umano nito si Jomar habang pareho silang nasa Siargao.


Tila lumaki pa ang kanilang bangayan dahil nagbanta na si Sachzna na sasampahan ng kaso si Veybillyn dahil sa paninirang puri nito sa kanya, sa pagtawag nitong isa siyang kabit.


Kaya naman nagbigay na ng pahayag si Jomar at nilinaw niyang wala silang relasyon ni Sachzna. Inamin din niya na ang lahat ng mga pinaggagawa nila noon na magkasama ay para lamang sa mga vlogs at ninanais lamang na makakuha ng contents.


"Sasabihin ko nadin po na wala po talagang namagitan samin ni SACHZNA kahit dati pa na mag kaloveteam kaming dalawa lahat ng ginawa namin is para lang sa work at mapasaya namin yung mga sumusuporta samin."


Humihingi rin siya ng tawad sa lahat ng mga taong nasaktan niya dahil sa isyung ito.


"Alam kong madaming nainis at naasar sa nangyari samin. gusto ko lang humingi ng tawad sa mga taong nasaktan at nagalit naiintindihan ko kayo lahat."


Muli nilinaw ni Jomar na charity work ang ipinunta nila ni Sachzna sa Siargao at pinabulaanan ang isyung naglalandian sila roon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo