30 Scholarship Ni Julian Martir, Gawa-Gawa Lang!

Linggo, Mayo 21, 2023

/ by Lovely


  Naging malaking usapin sa social media, ilang mga entertainment sites at maging sa mga news outlets ang storya ng buhay ni Julian Martir.


Si Julian Martir ay isang anak ng tricyle driver mula sa Negros Occidental na napapabalitang nakatanggap umano ng 30 scholarship offers mula sa United States at United Kingdom.


Ang kanyang natanggap na scholarship offers ay aabot sa mahigit 2 million dollars o tamataginting na mahigit 106 million pesos.


Nai-featured rin si Julian sa ilang mga programa at kinunan ng interview upang makapagbigay ng inspirasyon para sa lahat.


Pinupuri si Julian ng maraming netizens at maging ni Sen. Robin Padilla dahil ang kanyang pagkakatanggap ng ganitong mga scholarship offers ay maituturing na inspirasyon para sa lahat.


"Ito ang tamang target ng ating mga kabataan, tulad ni Gat Jose Rizal ang makapag-aral sa ibang bansa at magpakadalubhasa sa makabagong paraan at pagdating ng tamang panahon ay makauwi sa Inang Bayan."


Subalit, may mga lumalabas ngayong haka-haka at pagdududa ng mga netizens na walang katotohanan at pineke lamang ni Julian ang lahat.


Kamakailan lamang ay naglabas umano ng reaksyon ang paaralan, kung saan nagtapos ng senior high school si Julian Martir. Tila pinagtitibay nito ang lumalaking hinala ng mga netizens na walang katotohanan ang kanyang sinasabing scholarships.


Ayon sa assistant principal ng Negros Occidental, Senior High School sa isang panayam sa DZRH, hindi umano sila makakapagbigay ng anumang kompirmasyon sa mga claims ni Julian dahil wala naman silang natatanggap letter mula sa sinasabing 30 prestigious schools ni Julian.


Sa ngayon ay wala pa umanong natatanggap at pinanghahawakang ebedensya ang nasabing paaralan na makakapagsabing totoo ang lahat ng mga claim ng kanilang studyante.


Gumagawa na rin umano sila ng paraan para makuha ang side ng international schools na sinabi ni Julian.


Hindi pa rin umano sumasagot ang mga nasabing schools sa kanilang inquiry hinggil sa admission at scholarship claims ni Julian.


Sa ngayon ay burado na rin ang mga flex ni Julian tungkol sa kanyang scholarship grants. Maging ang kanyang Facebook account ay deactivated na rin na tila nagpapatunay lamang na walang katotohanan ang kanyang mga sinasabi.


Narito ang ilang komento ng mga netizens hinggil sa isyung ito.


"Fake achievements and fake scholarships? The case of Julian Martir

Okay, let's start with this -- ever since I saw this go viral I was already suspicious of this achievement, not because it's impossible but rather improbable given the circumstances of the situation, and I both blame mainstream media, social media, and journalist for propagating this story without fact-checking"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo