Toni Fowler, Binigyan Ng Iphone Ang Fan na Nagpa Billboard Sa Kanilang Larawan

Linggo, Mayo 21, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang namigay ng Iphone 14 ang controversial content creator at social media influencer na si Toni Fowler sa isa sa kanyang mga tagahanga.


Labis ang sayang naramdaman ng vlogger na si Jose Guanzon nang mapansin ni Toni Fowler ang ipinagawa niyang billboard kung saan makikita ang larawan nilang dalawa.


Samantala, sa inilabas na vlog ni Jose Guanzon masaya niyang ibinahagi ang mensaheng natanggap niya mismo mula kay Toni Fowler.


Labis din siyang naexcite dahil magkikita sila dalawa at doon na ibinigay ni Toni Fowler ang Iphone14 sa kanya.


"At dahil pina-billboard mo ako, meron kang iPhone 14," saad ni Toni Fowler.


Tinanong naman ni Toni Fowler kung magkano ang nagasto niya sa pagpapabillboard.


 "Mas mahal pa nga nagastos mo jan, jusko," pahayag ni Toni Fowler.


Si Toni Fowler ay isang Filipino vlogger at actress. Siya ay isang kilalang content creator sa YouTube kung saan kadalasan sa kanyang mga content ay tungkol sa kanyang buhay pag-ibig at mga kinakasangkutang kontrobersiya.


Siya ay kasama sa pinag-uusapang teleserye sa ABS-CBN na Ang Batang Quiapo. Samantala, nahaharap kamakailan sa isang kontrobersiya si Toni Fowler dahil sa paglalabas niya ng music video na mature content.


Binatikos ito ng mga netizen dahil marami mga bata ang may access ng mga social media. Subalit hindi pa rin natinag si Toni Fowler at ipinuntong obligasyon at responsibilidad ng mga magulang ang bantayan kung ano ang pinapanood ng mga anak sa social media.


Sa ngayon ay may panibago na namang kanta si Toni Fowler na katulad noong nauna ay pang adult rin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo