Liza Soberano Kabilang Sa Hollywood’S ‘Brightest New Stars’!

Biyernes, Mayo 5, 2023

/ by Lovely


 Tila nagsisimula na ang tagumpay ng akres na si Liza Soberano sa Hollywood.


Taliwas sa inaasahan ng ilang mga netizens at maging ng ilang kolumnista, ang nagaganap ngayon sa karera ni Liza Soberano sa  Hollywood.


Marami kasi sa mga netizens ang hindi naniniwalang sisikat si Liza Soberano sa Hollywood dahil sa kanyang pagiging ungateful umano.


Subalit, tila unti-unti nang naabot ni Liza ang tagumpay sa Hollywood ng mapabilang siya sa Town & Country’s list of “hottest new talent” na inilabas noong April 29.


Ang Town & Country ay isang lifestyle magazine na nakabase sa US. Sa kanilang inilabas na May issue, itinampok nila sa kanilang articles ang “young actors to keep an eye on” sa Hollywood, kung saan si Liza ang nangunguna sa anim na stars.


Kasama niya list sina Will Harrison ng 'Daisy Jones & the Six and Manhunt', West Duchovny ng 'Painkiller and Saint X', Priya Kansara ng 'Polite Society', Khris Davis ng 'Foreman', at Kylie Rogers ng 'Yellowstone and Beau Is Afraid'. 


Samantala sa Instagram account ng magazine, inamin nila na bagama't nagsisimula na muli si Liza ng kanyang career sa US, hindi ito baguhan sa entertainment industry.


“While she may be making her Hollywood debut in the upcoming black comedy Lisa Frankenstein, she isn’t exactly a rookie,” posted Town & Country. “The 25-year-old veteran model and actress moved from California to the Philippines, when she was 10—and has gained 18 million followers on Instagram over the years.”


Matatandaan na noong June 2022, pumirma si Liza Soberano ng kontrata sa Careless Music, isang talent management group na pinamumunuan ni James Reid. 


Di-nagtagal pagkatapos nito, lumipad siya sa United States at nakitang nakikihalubilo sa mga international artist. Nagtungo din siya sa South Korea at nakipagkita sa mga artists doon.


Noong unang bahagi ng 2023, kinumpirma ni Liza na lilipat siya sa Los Angeles, California upang mas mapalapit sa trabaho.


"I really want to become an actress, like a world-class actress,” pahayag ni Liza Soberano sa isang panayam.


Nagti-training na rin umano ngayon ang actress sa pakikipagsabayan sa Hollywood.



“I’m also just getting started with my music or singing career. I'm also signed to a music label here in LA called Transparent Arts which is owned by the Far East Movement boys. They are really immersing me in the music industry. I have been training a lot here. I've been taking vocal lessons, acting.”


Samantala, umani ng samu't-saring pambabatikos si Liza Soberano matapos ang kanyang mga isiniwalat sa kanyang vlog kagaya na lamang ng pagrereklamo niyang sa iisang leading man lamang siya napapareha.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo