Instagram Account Ng Yumaong Si Astro Moonbin, Memorialised Na!

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Lovely


 Muling nanumbalik ang sakit sa mga fans ng yumaong Korean star na si Moonbin, matapos ilabas sa Instagram na memorialised ang account nito.


Ibinahagi ang balitang ito ng isang entertainment page kung saan binalikan nito ang naiwang alaala ni Moonbin.


“Moonbin’s instagram account has been memorialized,” caption ng page kalakip ang dalawang larawan ng dashboard ni Moonbin sa kanyang Instagram.


Mababasa sa nasabing larawan ang notice mula sa Instagram tungkol sa hakbang na isinagawa nila sa account ni Moonbin.


“This account has been memorialised. Memorialized accounts are a place to remember and celebrate someone’s life after they’ve passed away.”


Agad namang bumuhos ang mensahe ng pagluluksa mula sa mga fans ni Moonbin.


“I missyou so much langga, i hope your doing great sa taas.”



“Di naman nya ako fan talaga like dumadaan lang sya sa fyp ko noon pero grabe, ang hirap pa rin mag-move on, MoonBin!”


“Still painful, lalo na his last photo uploaded sa IG is him smiling. Sheesh nakakamiss tawa at ngiti niya sa mga shows, ☹️” anang isang fan.


“Rest in peace Moonbin.”


“Masakit pa din until now Moonbin koo, 😭”


Si Moon Bin, na kilala bilang Moonbin sa entertainment industry, ay isang singer, actor, dancer, at model sa South Korea sa ilalim ng label na Fantagio.


Miyembro din siya ng South Korean boy group na Astro at ang sub-unit nito na Moonbin & Sanha.


Ikinagulat ng nakararaming fans ni Moonbin ang balita ng biglaan niyang pagpanaw sa loob mismo ng kanyang tinitirhan.


Sa isinagawang investigation, nakita ng mga pulis na walang foul play na naganap kaya naisara ang kaso sa conclusion na nagpakamatay ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo