Bobby Ray Parks Nakiusap Kay Zeinab Harake Na Sagutin Na Ito Sa Kanyang Panliligaw!...

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Jerome

 


Ex-PBA player na si Bobby Ray Parks Jr. may paki usap  sa nililigawan nitong si Zeinab Harake.


Sa latest post nga ng vlogger na si Zeinab Harake ay nagkomento ang basketbolista ng, "Sheeesssshhh 😍 sagutin mo na po ako soon please!"


Sinagot naman ito ng vlogger ng patawa-tawa lang na may heart emoji sa dulo.


Matatandaang noong mga nakaraang araw lang din ay ibinida ni Zeinab sa kanyang Instagram account ang mga larawan ng Ex-PBA player.


Makikita nga sa larawan si Bobby Ray Parks Jr. na naglalaro ng basketball, na tila ba sinamahan siya ng vlogger.


Ngunit bago ang pag post ni Zeinab dito ay na una ng flenix ng basketbolista ang vlogger sa social media account nito.


Dito nga ay nagpost si Bobby ng isang video na masayang inaayos ni Bobby ang buhok ng vlogger at sabay pag-amin nito na nililigawan niya na si Zeinab Harake.


Mapapansin naman sa bandang hulihan ng video ng malapit na itong matapos ay tila maghahalikan na sana sila ngunit hindi ito na tuloy.


Dahil nga sa pakiusap ng basketbolista na sagutin na ito ni Zeinab ay lalo ngang kinilig ang mga fans.


At hiling nga ng karamihan na sana sagutin na nga ng vlogger ang basketbolista.


Hiling pa ng iba na sana daw ay isama na ni Zeinab si Bobby Ray Parks Jr. sa mga vlog nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo