Tunay Na Dahilan Ng Away Nila Michael V at Rendon Labador Nabunyag Na!

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Jerome


 Kontrobersyal personality at social media influencer na si Rendon Labador muli na namang bumanat sa social media at sinabihang laos na ang actor comedian na si Michael V o maskilala sa tawag na Bitoy.


Matapos kay Coco Martin ay kay Bitoy naman nakatuon ngayon ang pansin ng kontrobersyal personality na si Rendon Labador. 


Nag-ugat ito ng magbahagi si Bitoy ng isang paalala sa mga influencer o mga content creator na gumagawa ng content sa social media.


Pahayag niya, "The first thing Any Content Creator should understand is the meaning of the word "Content."


Kaagad naman na umani ng papuri ang post na ito ni Michael V, kung saan ay maging si Kuya Kim Atienza ay hindi rin napigilang magreact ukol dito.


Komento ni Kuya Kim sa post na ito ng komedyante, "Amen brother. 🙂 it's not about views. It's about value." 🙂


Sa kabilang dako naman ay ipinost din ng isang social media page, ang mga pahayag na ito ni Bitoy, at dito nga ay muli na namang nagpapansin itong si Rendon Labador.


Dito nga ay nagkomento ito at lakas loob na sinabing laos na, at pinaglipasan na ng panahon ang mga artistang katulad ni Bitoy, at ipinagmalaki niyang ang gaya niyang content creator na daw ang nagkokontrol ngayon sa media.


Aniya, "Masakit na katutuhanan na laos na kayo, we control the media now."


Pero hindi pa siya na kontento dito at nagpost pa siya ng screenshot ng balita tungkol kay Bitoy at sa naging komento niya.


Iginiit din niya sa kanyang naging caption na silang mga social media influencer na daw ang bagong celebrities ngayon, at tila pinagmamayabang din niya na masmagaling daw silang gumawa ng content kumpara sa mainstream media.


Saad niya, "INFLUENCERS are the new celebrities! If you can't get smart with INFLUENCERS in producing content.. Just shut up. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM 👊"


Dahil sa mga sinabing ito ni rendon ay maraming netizens ang nagalit sa kanya, at hindi sumang-ayon sa kanyang mga sinabi.


Mayroon din namang mga dumipensa kay Bitoy at sinabing never na laos si Bitoy, dahil hanggang ngayon ay may TV shows parin ito at patuloy na pinagkakatiwalaan ng maraming mga branch.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo