Heart Evangelista, Inamin Na Natatakot Nang Magbuntis Kahit May Asawa

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Matapang na sinagot ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang ilang mga isyu sa kanyang guesting sa Fast Talk With Boy Abunda.


Ibinahagi na ni Heart Evangelista ang kanyang personal na saloobin patungkol sa pagbubuntis at binalikan rin niya ang pagkalaglag ng kambal nila ni Chiz Escudero.


Ayon kay Heart Evangelista, noon pa man ay sinanay na siyang maging career woman ng kanyang mga magulang.


"A go-getter, hardworking no vacations. Takot ako mabuntis, even if I was married,"  pag-amin ni Heart Evangelista.


Gayunpaman, nang dinadala na umano niya ang kambal nila ni Chiz Escudero ay ginusto na rin ni Heart ang idea ng pagiging isang ina.


"Even for a brief moment in my life, I realized that I can be a better person. Not necessarily that you have to give birth or to physically be a mom, but the idea of what my angels made me feel — it was good enough for me," saad pa ni Heart Evangelista.


Sa katanungan naman kung ninanais pa ba ngayon ni Heart Evangelista na magkaroon ng sariling anak, tahasan niyang inamin na walang problema sa kanya sakaling biyayaan sila ni Chiz ng anak.


 "If I'll be a mom, why not?" pag-amin ni Heart.


"I remember at that time, pinagdasal ko na 'find your way back to me, in any form' but for me, hindi ko na pinipilit yung mga bagay-bagay," pagbabalik tanaw ni Heart.


Dagdag pa niya,  "I don't allow myself to be heartbroken because may mga bagay na hindi binigay sa 'kin."


Ikinasal sina Heart Evangelista at Chiz Escudero noong February 15,2015 matapos ang mahigit dalawang taon sa pagiging magboyfriend-girlfriend.


Samantala, noong 2018 unang ibinalita ni Heart Evangelista ang pagbubuntis niya sa kambal sana nila ni Chiz Escudero. Subalit, June ng parehong taon, malungkot na inamin ni Heart ang pagkawala ng dalawang anghel.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo