Dating Kinakasama Ni Pokwang Na si Lee O'Brian May Mensahe Kay Pokwang

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay na ng pahayag ang dating ka -live in partner ng komedyanteng si Pokwang, na si Lee O’Brian, patungkol sa mga binibitiwang banat ni Pokwang laban sa kanya.


Sa isang panayam, sa media con at press screening sa peikulang 'Sandwich' na kinabibilangan nito.


Kahit anong tanong ng press kay Lee, nananatiling tipid ito sa pagsagot.


“All I can say is, I love my daughter more than anything in this world. And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child in this world. And that’s my story. That’s all I can say,” pahayag ni Lee.


Matatandaan na ilang beses nang binanatan ni Pokwang si Lee O'Brian sa kanyang mga social media posts. Ilang beses nitong ipinahayag ang pagiging tamad ni Lee O'Brian.


Isa din umano sa mga dahilan ni Pokwang sa pagpapalayas kay Lee ay dahil nagiging palamunin na lamang ito sa kanilang bahay.


 Maging ang girlfriend ni Lee O'Brian ay tinawag rin niyang mas chaka sa kanya.


Matatandaan na noon pang 2021 naghiwalay sina Pokwang at Lee O'Brian. Subalit nito lamang 2023 isiniwalat ng komedyante ang kanya mga hinaing at reklamo patungkol kay Lee.


Inamin naman ni Pokwang na hindi siya nagsasalita noon dahil umaasa siya babalikan sila ni Lee at maaayos ang kanilang pamilya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo