Maine Mendoza Naghahanda Na!

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Jerome

 


Tuloyan na ngang nagpaalam sa ere ang sitcom na Daddy's Girl na pinagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Phenomenal star na si Maine Mendoza sa GMA7.


Ibinahagi ni Maine sa kanyang Istagram account ang huling script ng kanilang programa kasama ang masayang larawan nila ng Tv host actor na si Bossing Vic Sotto, na kuha sa set ng sitcom.


Caption naman niya sa kanyang post, "The Otogans are signing off. 🫶🏻"


"Thank you, Bossing. Thank you, DG fam.Grateful for many things.Thank You."


"Catch our finale episode tonight at 9:15pm and watch out for Open 24/7 coming real soon. ☺️Maraming salamat, mga Kapuso!Your daddy’s gurl,Stacy O."


Bagamat marami nga ang nalongkot sa kanyang mga fans ay naiintindihan naman daw nila na nagbabawas na ng trabaho si Main bilang paghahanda sa nalalapit nitong kasal sa actor politician na si Arjo Atayde.


Sa anu't ano man ay inindorso parin ng Phenomenal star sa kanyang mga fans ang papalit na show sa Daddy's Girl na Open 24/7 na pagtatampokan naman nina Vic Sotto, Jose Manalo at Maja Salvador.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo