Dennis Trillo May Touching Message Kay Jennylyn Mercado Para Sa Mother'S Day!

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Jerome

 


Kapuso actor na si Dinnis Trillo may madamdaming mensahe sa kanyang pinakamamahal na asawa na si Jennylyn Mercado.


Kalakip ng kanyang ibinahaging mensahe sakanyang Instagram account ay ang napakasweet na larawan nilang mag-asawa na habang namamasyal sa Japan.


Caption naman ng actor sa kanyang ibinahaging post sa social media, "Kulang ang mga salita at mga larawan para ipahayag ang aking pag ibig at pasasalamat sa’yo."


"Ikaw ay hindi lang ilaw ng tahanan kundi, haligi ng atin pag ibig at ng ating pamilya. Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, pag unawa,mga sakripisyo’t pag hihirap mo para sa aming lahatπŸ™πŸ€ I am forever grateful for you my Love. Happy Mother’s Day and advanced Happy Birthday mahal koπŸ€πŸŽ‰πŸŽ‚"


Sa ngayon ay nagsi-celebrate ang mag-asawa sa Osaka Japan ng mother's day at birthday ng actress na si Jennylyn Mercado.


Sa ngayon din ay nag-eenjoy nga ang mag-asawa sa pamamasyal doon, dahil siguradong pag-uwi nila galing Osaka Japan ay balik trabaho na naman agad ang dalawa sa kanya-kanyang mga ginagawang taping nila para sa kanilang mga teleserye.


Ang Love Die Repeat ang kasalukuyang ginagawa ngayon ng actress kasama si Xian Lim, habang Love Before Sunrise naman ang kay Dennis Trillo katambal ang actress na si Bea Alonzo.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo