Edu Manzano Nilinaw Na Ayaw Nang Ikasal, Hiwalay Na Sila Ni Cherry Pie Picache?

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Lovely


 Nilinaw na ng beteran aktor na si Edu Manzano na ayaw na niyang magpakasal at magkaroon ng anak.


Kamakailan lamang ay muling nagkasama ang dating magkarelasyon na sina Edu Manzano at Maricel Soriano sa mismong vlog ng huli.


Kabilang sa napag-usapan nila ay ang muling pag-aasawa. Naitanong ni Maricel Soriano kay Edu Manzano kung handa na ba itong magpakasal at magkaanak muli.


“Wag na! Ayaw ko na!” diretsahang pahayag ni Edu Manzano.


Tila nagtataka naman si Maricel kung bakit umayaw si Edu sa muling pagpapakasal gayung mag nobya naman ito.


“Ayaw mo na?  Bakit?”


“I’m 67!” muling sagot ng aktor.


“So, what!” sabi ulit ni Maricel.


Samantala, sa nakarating umano kina Ogie Diaz na kinumpirma na umano nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache sa kanilang source ang kanilang hiwalayan.


Isa sa mga naging basehan ng mga netizens na hiwalay na ang dalawa dahil hindi na umano sila nagbabahagi ng sweet photos sa kani-kanilang Instagram account.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo