Say Mo Lee O'Brian? Pokwang Binira Na Rin Ang Mga Magulang Ng Ex Husband!....

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Jerome

 


Tuloy parin ang mga banat ni Pokwang sa kanyang dating asawang si Lee O'Brian sa social media, ngayon naman ay ang mga magulang ng kanya dating asawa ang kanyang pinatatamaan.


Ayon kasi kay Pokwang na mabuti pa daw kasi ang ibang mga tao na hindi naman nila kadugo ay naaalala ang anak nilang si Malia na padalhan ng regalo.


Sinabi ito ni Pokwang sa kanyang caption sa ibinahagi niyang post sa kanyang Instagram account. 


Kung saan ay makikita sa video, ang mag regalong damit na ipinadala ng kanyang mga fans mula sa ibang bansa para sa anak niyang si Malia.


Saad niya sa caption ng kanyang post, "thank you sa mga hindi naman kadugo ni Malia pero lagi sya naaalala kahit sa maliit na bagay ❤️πŸ™πŸΌ mga friends and followers sa ibang bansa UK, UAE at sa USA πŸ‡ΊπŸ‡Έ how ironic may kamag anak sya doon ni minsan kahit lampin at bigkis bago ako manganak till now waley haahahahhaa iba din ano? thank you tita @elvy.jose yita @agavieres79 and nak @hermajesty_rosehill ❤️❤️❤️"


Kayang-kaya naman daw ni Pokwang na bilhan ang anak pero iba parin daw yung naaalala si Malia ng mga kamag-anak nito sa ibang bansa.


Dagdag pa niya na wala daw umano siyang naaalala na nagbigay ang mga magulang ni Lee O'Brian kay Malia mula ng ipinanganak si Malia.


Siya pa nga daw ang madalas na gumagastos sa pamasahe ni Malia papuntang America.


May isang netizens naman na nagkomento ng baka daw walang wala talaga ang mga magulang ng dati niyang asawa.


Pero ayon kay pokwang na talagang maykaya naman daw sila kahit na papano.


Dagdag pa ni Pokwang na hindi rin daw nag-eefort ang mga magulang ni Lee na tawagan man lang ang anak niyang si Malia.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo