Coco Martin Bakit Ba Tinawag Na Groomer?

Huwebes, Mayo 25, 2023

/ by Jerome

 


Hindi na nga masyadong ikinagulat ng mga netizens ng opisyal na aminin nina Coco Martin at Julia Montes ang kanilang relasyon.


Ito ay matagal na nga na nakikita ng mga ito na magkasama at sweet ang dalawa at bukod dito ay marami na ding na unang mga kumalat na balita noon ang tungkol sa relasyon nila ni Julia.


Ayon nga sa actor director na si Coco Martin ay hindi na nga daw sila mga bata pa, kaya kung ano man daw yung mga nakikita o mga iniisip ng mga tao ay yun na yun. 


Ayon pa kay Coco na mas masaya at masarap nga daw ang mabuhay ng prebado, tahimik at walang anumang issue.


Dagdag pa ni Coco na nasa 12 years na din silang magkasama.


Kaya naman hindi naman na pigil ng mga netizens na busisihin ang nakaraan ng dalawa.


Kung saan ay halos nasa 13 year nga ang pagitang ng kanilang mga edad, kung saan ay nasa 41 years old na nga si Coco Martin, habang nasa 28 years old naman si Julia Montes.


Agad naman na lumabas ang mga negatibong espekulasyon ng netizens tungkol kay Coco dahil noong mga panahong naging sila daw ni Julia ay minor de edad pa itong si Julia. 


Dahil kung kwekwentahin batay sa edad nila ngayon at sa tagal ng kanilang relasyon ay nasa 16 years old pa lamang daw noon si Julia Montes.


Kaya naman binansagan ngayon si Coco ng maraming netizens na na isang Groomer.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon ang Groomer ay isang tao na bumubuo ng isang relasyon, trust at emotional connection sa isang bata o minor de edad upang manipulahin ito.


Bagamat hindi na nga sinagot pa nina Coco at Julia ang nasabing issue ay agad naman itong nilinaw ng Dreamscape entertainment.


Sa pamamagitan ng pag post sa social media na may caption na, "To set the record straight, it's a 12 years, Working Relationship."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo