Arjo Atayde Nagreact Sa Relasyon Ng Kapatid na Si Ria Atyade at Kaibigang si Zanjoe

Huwebes, Mayo 25, 2023

/ by Lovely


 May mensahe ang actor-politician na si Arjo Atayde para sa kanyang kapatid na si Ria Atayde sa pakikipagrelasyon nito sa actor na si Zanjoe Marudo.


Kamakailan lamang ay naging guest ng morning talk show na Magandang Buhay sina Arjo Atayde at Ria Atayde.


Kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang kasalukuyang relasyon nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.


Naitanong ng mga hosts na sina Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, kay Arjo kung ano ang kanyang saloobin sa napapabalitang relasyon nina Zanjoe at Ria Atayde.


"I'm very happy for her. I'm just very happy that she found someone who could make her happy."


Ipinahayag din ni Arjo na kailanman ay hindi siya nakikialam kung sino ang nagiging boyfriend ni Ria subalit kinakausap umano niya ang mga ito na ingatan ang kanyang kapatid.


"I'm very happy for her. I'm just very happy that she found someone who could make her happy. Alam naman ni Ria eversince, sa past relationships niya, hindi po talaga ako nakikialam. I just asked the man of my sister to never hurt her as much as possible. That's my only request."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo