Manny Pacquiao Tinuldukan Na Ang Isyung Naghihirap Na Siya

Huwebes, Mayo 25, 2023

/ by Lovely


 Sa kamakailang episode ng programang Cristy Ferminute, ipinahayag ni Cristy Fermin na tinuldukan na ni Manny Pacquiao ang mga haka-hakang naghihirap na umano siya.


Nag-ugat ang isyung ito nang matalo si Manny Pacquiao sa pagtakbo niya bilang Pangulo ng bansa noong 2021. Nasundan pa ito nang kamakailang pagkatalo umano niya sa kaso laban sa Paradigm kung saan kailangan niyang magbayad ng 238 million pesos.


Subalit, ayon kay Manay Cristy Fermin, tila hindi naman nagmumukhang naghihirap na sina Manny Pacquiao at Jinkee dahil panay post pa rin ang mga ito ng kani-kanilang marangyang lifestyle.


Kabilang na rito ang pagbabahagi ng mag-asawa sa pagpapagawa ng kanilang mansion na aabot sa isang ektarya ang sukat.


Bagama't hindi hayagang ipinahayag ni Manny tila ang pagbabahaging ito ni Manny ang siyang nagtapos sa isyu.


“Noon pa natin sinasabi na kahit naman nagkaroon ng matinding kaso sa Amerika itong si dating Senador Manny Pacquiao, hindi ito makakaapekto sa kung ano man meron sila ni Jinkee ngayon.”


Dagdag pa kolumnista, “Yun nga ang punto ngayon na naglabas sila ng pahayag, pati mga ritrato noong ipinagagawa nilang mansion sa GenSan, na mahigit isang ektarya ang sukat nung lupa at siyempre, ano ang floor area niyan kapagka ganyan kalaki ang pinagtatayuan mo, diba?”


Ipinahayag din ng kolumnista ang pagbabalak ni Manny Pacquiao na muling sasabak sa pulitika sa darating ng susunod na election.


“Balik-pulitika raw siya sa 2025. At kakandidato uli siya sa pagka-senador. Babalik po siya sa serbisyo publiko sa 2025 at hindi po sila naghihirap. Hindi po sila maghihirap kung ganun lang daw kaliit yung kasong kailangan niyang pagbabayaran sa Amerika,” pagtatapos ni Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo