Chad Kinis Nanawagan Sa G-Cash, Na-hack Ang Account?

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Lovely


 Labis na pagkadismaya ang nadarama at hindi napigilang maglabas ng saloobin sa social media si Chad Kinis matapos mawala ang laman ng kanyang G-Cash wallet.


Hindi umano lubos akalain ni Chad Kinis na malalamas ang lahat ng nilalaman sa kanyang G-cash account dahil buong akala niya ay secured ang nasabing online payment application.


Nagulat na lamang umano siya ng buksan ang kanyang G-cash account ay wala na itong laman. Hindi rin umano siya nakatanggap ng OTP na sinusubukang buksan ang kanyang account sa ibang device.


"Omg!!!! My gcash just got hacked!!!!! Inubos ang pera ko! Wala man lang alert or OTP na lumabas sa number ko from gcash na it was logged in sa ibang account! Help GCash paano nila nagawa yun eh suoer secured ang gcash ko." 


Samantala, sa comment section ng kanyang post, agad na nagpahayag ang ilang mga netizens na may kapareho ring karanasan ni Chad Kinis.


"Ako Po kanina morning nawalan ako Ng 68k sa gcash ko"


"Madami po tayong nahacked! Chad Kinis"


"Ganyan din gcash ko. Maiyak-iyak ako kasi yung pera need ng anak ko yun pang tuition at pangbayad namin kuryente"


Samantala, nagbigay na ng update si Chad at sinabing nag-reach out na sa kanya ang Gcash. Naibalik na rin umano ang perang nawala sa kanya.


Naglabas na rin ng official statement ang G-Cash hinggil sa mga natatanggap na mga reklamo mula sa kanilang user.


Muli iginiit ng G-cash na safe at secure umano ang pera sa kanila. 


"GCash advisory here! 

We have already adjusted the e-wallets of the affected GCash users and the app is back up so you may now safely proceed with your regular transactions. We apologize for the temporary downtime. Thank you for your patience and understanding."


"Rest assured, your funds are intact, safe and secure with Gcash. Our proactive cybersecurity policies are in place to protect our customers as the safety and security of your account is our top priority."


Sa kabila nito, marami pa rin ang nagdududa ngayon sa paggamit ng Gcash dahil sa isyung kinakaharap nito ngayon. Marami pa ang naghihinala na baka ay kasabwat umano mismo ng hackers ang Gcash.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo