Xander Ford Arizala, Nilinaw Na Hindi Si Ogie Diaz Ang Kanyang Pinapatamaan Sa Mga Post!

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Lovely


 Nilinaw na ng social media pesonality at dating aktor na si Xander Ford na hindi si Ogie Diaz ang kanyang pinapatamaan sa kanyang sunod-sunod na post sa social media.


Matatandaan na nagtrending sa kamakailan si Xander Ford matapos ilahad sa kanyang social media account ang pagkadismaya dahil hindi sumipot sa binyag ng kanyang anak ang ilang nagpresentang maging ninong at ninang.


 Agad naman itong sinagot ni Ogie Diaz at tinanong si Xander Ford kung siya ba ang tinutukoy nitong hindi sumipot sa binyag ni Baby Xeress dahil hindi na sila mga sikat.


Ipinahayag din ni Ogie Diaz na hindi siya nakapunta sa binyag ng anak ni Xander Ford dahil sobrang ka-busyhan niya sa araw na iyon.


Samantala, nilinaw na ni Xander Ford ang isyu ito. Ibinahagi pa niya ang screenshot ng pag-uusap nila ni Ogie. 


Mababasa sa kanyang ibinahaging screenshot na nag-message si Xander kay Ogie para sabihin sa kanya na hindi siya ang tinutukoy niya sa orihinal niyang post.


Ayon kay Xander, in-advance siya ni Ogie na hindi siya makakapunta sa event.


Sa kabilang banda, ipinahayag ni Xander na ang taong kanyang pinatutungkulan ng kanyang post ay hindi man lang nagbigay ng abiso sa kanya na hindi pala siya makakapunta.


Nangako rin umano ang taong iyon na babayaran ang kalahati ng catering para sa reception ng binyag. Ibinahagi rin ni Xander Ford na nagagalit sa kanya ang taong ito ngayon dahil sa pagrarant niya sa social media tungkol sa hindi pagsipot nito.


Si  Marlou Arizala na kilala rin bilang si Xander Ford, ay isang artista, performer, at social media celebrity. Naging usap-usapan siya noong nakalipas na mga taon nang i-feature ang kanyang mga plastic surgeries sa programa ng ABS-CBN na “Rated K.” 


Nakatanggap ng matinding backlash sa kanyang career matapos niyang pansinin at binody shame ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Inamin naman ni Xander na pinagsisihan niya ang ginawa noon kay Kathryn at handa siyang humingi ng tawad rito. Isiniwalat pa niyang bayad siya o may nagbayad sa kanya upang i-body shame si Kathryn.


Siya ay may anak nang si Baby Xeres sa influencer na si Gena Mago.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo