Bobby Ray Parks May Hiling Kay Zeinab Harake

Huwebes, Mayo 11, 2023

/ by Lovely


 Naging laman ng usap-usapan sa social media ang pag-amin ni Zeinab Harake na nakikipagdate siya sa basketball player na si Bobby Ray Parks.


Naunang lumabas ang isyu na may relasyon sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks ng makita sila ng ilang netizens sa Japan.


Pumutok pa ang isyu ng umano'y pagiging kabit ni Zeinab, subalit agad na nilinaw ng kaibigan ni Zeinab Harake at Pambansang Male Marites ng Pilipinas na si Xian Gaza na walang katotohanan ang lahat at ipinunto pang walang asawa si Bobby Ray Parks.


"GUSTO KO LANG PO LINAWIN SA BUONG SAMBAYANANG MARITES NA ANG BESTFRIEND KO NA SI Zeinab Harake AY HINDI ISANG KABIT.  NANLILIGAW PO SA KANYA ANG PROFESSIONAL BASKETBALL PLAYER NA SI BOBBY RAY PARKS JR. NA SINGLE AT WALANG ASAWA."


Mula noon ay naging sunod-sunod ang pagpopost nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks ng mga videos at photos na magkasama.


Samantala, sa kamakailang ibinahaging Instagram post, makikitang nagkomento si Ray Parks at humiling kay Zeinab na sumagot na sa kanyang panliligaw.


Makikitang sinagot naman ni Zeinab ang komentong ito ni Ray kalakip ang isang black heart emoji.


Nito lamang nagdaang taon, humarap ang content creator na si Zeinab Harake sa samu't-saring kontrobersiya. Kabilang na rito ang paghihiwalay nila ng kanyang kinakasamang si Skusta Clee.


Kasunod nito ay ang nangyaring bangayan nila online ng isa pang content creator at talent manager na si Wilbert Tolentino. Matatandaan na inihayag ni Wilbert sa social media ang umano'y totoong ugali ni Zeinab Harake sa likod ng kamera.


Nadamay pa sa isyung ito ang ilan pang content creators at mga artista.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo