Alexa Ilacad Naiyak Nang Makita Sa Personal Ang ‘My Chemical Romance’

Huwebes, Mayo 11, 2023

/ by Lovely


 Naging emosyunal ang aktres na si Alexa Ilacad matapos makita sa personal ang kanyang iniidolong international rockband.


Masaya ring ibinahagi ni Alexa Ilacad na ito ay katuparan sa kanyang pinapangarap noon pa man.


Sa ibinahaging Instagram video post makikitang naiyak pa sa tuwa si Alexa nang makita sa personal ang bandang 'My Chemical Romance'. Sadyang pumunta pa sa Japan si Alexa para lamang makita sila.


“I never thought this day would come.. One of my biggest dreams just came true – I FINALLY SAW MY CHEMICAL ROMANCE LIVE," caption ni Alexa sa kanyang Instagram post.


Dagdag pa niya, “Best day of my life!!!!!!!!! I don’t think I will ever move on from this experience.”


Inamin rin ng aktres na may malaking bahagi sa kanyang growing up years ang My Chemical Romance band na matagal na niyang ninanais makita sa personal na noon inakalan niyang hanggang sa pangarap lang  talaga.


“Thank you, @mychemicalromance, for being my safe haven growing up,” saad niya sa IG caption.


“There is a tender space in my heart that is and always will be, occupied by you and your music.”


“Hugs to my 6 year old self because our biggest wish has turned into a reality,” pagbabahagi ni Alexa Ilacad.


Masaya naman ang mga tagahanga ng aktres sa panibagong achievement ngayon ni Alexa at sa pagkatupad ng kanyang matagal nang pangarap.


"My heart when i saw you cried! Parang kami lang after watching you at the Opening night of Walang Aray"


"Sarap panoorin pa ulit ulit.so happy for you LEx and the best pa ay kasama mo si KD sa concert"


"Happy for you baby girl,at kay Kd din,best memories with the best partner in the world 😍we love you both"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo