Anak Ni Joaquin Domagoso at Raffa Castro 1st Birthday Celebration!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Jerome

 


First Baby nina Joaquin Domagoso at Raffa Castro ipinakita na sa publiko sa unang kaarawan nito.


Doble ang selibrasyon na naganap sa okasyon na ito bukod kasi sa birthday ng kanilang anak ay mismong binyag din ito. 


Dumalo sa pagdiriwang ito ang pamilya ni Joaquin Domagoso at ang pamilya ni Raffa Castro.


Dumalo din ang talent manager ng mag-amang sina Joaquin at Isko Moreno na kasalukuyang Mayor ngayon sa Manila.


Nakita din sa okasyong ito ang iba pang mga young star, na sina Sofia Pablo at John Gabriel na ninong at ninang sa nasabing binyag.


Kasama ni Sofia na sumipot sa binyag ang kanyang ka loveteam na si Allen Ansay.


Kitang-kita naman sa mga ibinahaging larawan ang saya sa mga mukha ng mga lolo na sina Diego Castro at Isko Moreno sa pagiging lolo nila.


Nagbahagi din ng mga larawan ng binyag at unang birthday ng apo ang ama ni Raffa na si Diego Castro sa social media account nito.


Si Isko Moreno ang ama ni Joaquin, samantalang ang former actor at news anchor na si Diego Castro ang ama naman ni Raffa.


Isinilang ni Raffa ang kanilang anak ni Joaquin sa isang hospital sa Quezon city, noong April 2022 pero inilihim muna nila ito dahil sa nagsisimula pa lang na umosbong ang careera ni Joaquin. 





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo