Cristy Fermin, Nababahala Sa Kalagayan Ngayon Ni Angel Locsin!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang nagpahayag ng concern ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin, sa aktres na si Angel Locsin na patuloy pa ring hindi nahahagilap sa social media at ilang social events.


Sa gitna ng kanilang pag-uusap tungkol sa tila pag-iwas ni Angel Locsin sa social media at maging sa showbiz, isiniwalat nila na may mga taong nakakita umano kay Angel Locsin kamakailan.


"Ang tagal na nating hinahanap si Angel Locsin. Ni isa sa atin walang makapagturo pero may nakakapagsabi naman sa atin kung saan medyo biglaang nakikita siya. Kaya pala siguro hindi naglalalabas sa social media at nagpapakita si Angel Locsin, dahil sa kanyang timbang," saad ni Romel Chika.


“Meron daw nakakakita sa kanya, doon sa tapat ng restaurant na pag-aari nina Neil. Kasosyo si Neil doon e. May nakakita sa kanya doon sa van, siyempre hindi siya bumabababa, na nandoon daw si Angel na may kalakihan nga ang kanyang timbang,” pagbabahagi naman ni Cristy Fermin.


Agad namang ipinahayag ni Manay Cristy Fermin ang kanyang sariling opinyon sa kasalukuyang timbang at laki ng aktres na si Angel Locsin.


“Hayaan lang po natin. Baka naman may ginagawa siya ngayon na paraan para mapababa ang kanyang timbang na siyempre ay pinoproblema niya. Why not, diba? Abangan lang natin.”


Pinaalalahanan din ni Manay Cristy Fermin na dapat na rin umanong bantayan ng aktres ang kanyang timbang dahil hindi na siya bumabata at nagiging prone na sa iba pang karamdaman.


“Ang nakakaalarma dito, hindi na bumabata si Angel Locsin. Kaya kailangan bantayan niya talaga ang kung anumang sobra sa kanyang katawan ngayon. Hindi na siya bumabata, kailangan talaga bantay-sarado. At kapag naging produktibo ang kanyang ginagawa, ayan na, pwede na ulit siyang gumawa ng mga proyekto.”


Matatandaan na bigla na lamang nanahimik sina Angel Locsin at asawa nitong si Neil Arce sa social media na nag-ugat ng samu't-saring speculations.


Kabilang na rito ang hiwalayan nila dahil sa pambabae umano ni Neil Arce at ilan pang isyung personal sa buhay  ng akres.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo