280 Million Pesos Na Babayaran Ni Manny Pacquiao Sa Paradigm Sports Pang-OOTD Lang Ni Jinkee Pacquiao!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang, naging usap-usapan ang pagkakatalo ng dating Senador na si Manny Pacquiao sa kasong isinampa sa kanya ng Paradigm Sports Management.


Ayon sa verdict ng jury, kailangang magbayad ni Manny Pacquiao ng $5.1 million o halagang umaabot sa mahigit 280 million pesos.


Gayunpaman, may netizen na nagsasabing pang-OOTD lamang umano ni Jinkee an 280 million pesos na babayaran ni Manny Pacquiao sa Paradigm Sports Management.


Samantala, sa latest episode ng programa nina Manay Cristy Fermin natalakay nila ang komentong ito mula sa netizen.


“Magagaling talaga ang mga kababayan natin, mag-compute-compute.”


“Naku, ang mababasa mo talaga ngayon sa social media, 'Naku, walang-wala 'yan. Bilyon pa rin ang pera ng mag-asawa. Saka yang ₱280 million, pang-OOTD lang 'yan ni Mareng Jinkee,” pahayag ni Manay Cristy Fermin.


Kasunod nito ipinahayag naman ni Manay ang kanyang sariling saloobin hinggil sa nasabing isyu ng babayaran ni Manny Pacquiao sa Paradigm.


“Kaya lamang po, palagi po nating tatandaan, a contract is a contract. Kung ano po ang ating pinirmahan, 'yun ay dapat na nasusunod.”


“At saka hindi pa naman ito pinal e, may motion for recon pa ito e. Hindi naman papayag ang kampo ni dating Senador Manny Pacquiao na basta-basta na lang siya malugso sa usapin na ito. Siyempre may pride.”


Samantala, as of this writing, wala pa ring inilalabas na official statement ang Pamilya Pacquiao hinggil sa kumakalat ngayong verdict mula sa jury ng kasong isinampa laban kay Manny ng Paradigm Sport Management sa US.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo