Viral Female Acrobat Nagkamali Sa Stunt nalaglag Mula taas na 30feet!

Huwebes, Abril 20, 2023

/ by Jerome


Viral ngayon sa social media ang trahidyang nangyari sa mag-asawang chinese acrobat sa aerial performance nila.


Ayon sa balita ay nagtanghal daw umano ang mag-asawang acrobat ng mangyari ang trahidyang iyun.


Ayon sa report na bago pa daw ang kanilang performance sa city of Suzhou in central Anhui province.


Ay pinagmalaki pa ng host ng show na wala umanong safety measures ang mag-asawa sa kanilang gagawing stunt.


Ngunit ito na pala ang tatapos sa buhay ng female performer na kinilalang si Sun dahil sa sobrang kompyansa, dahil sa hindi sila naglagay ng safety para sa kanilang stunt.


Makikita naman sa video na inangat ang mag-asawa ng isang kable pataas, para sa pagsisimula ng kanilang performance.


Mapapansin na nakapulopot ang mga braso ng lalaki na nakatali sa fabric na nakatali sa kable habang ang babae naman na si Sun ay nakakapit ang mga kamay sa bandang likuran ng leeg ng kanyang mister at naka-apak ito sa mga paa ng kanyang asawa.


Kasunod na nga nito ay makikitang nakabitaw na ang babae sa pagkakakapit sa kanyang mister at tuloyan na nga itong nahulog.


Makikita naman sa video na sinubukan pa siyang iligtas ng kanyang mister gamit ang mga paa nito upang masalo sana ang babae.


Ngunit hindi na umabot ang pagsalo ng mga paa ng kanyang mister at bumulusok na paibaba ang babae mula sa tinatayang taas na 30feet.


Kaagad naman isinugod sa hospital ang babaeng acrobat, ngunit siya ay ideniklara ding pumanaw sa edad na 36th.


Sa nangyaring ito ay naulila niya ang kanyang asawa at ang kanyang anak na sampung taon gulang palamang.


Samantala nangako naman ang mga otoridad para sa ibayong imbistigasyon hinggil sa masalimuot na pagpanaw ng babae.


Dapat daw kasi ay naglagay ng safety measures ang kompanya na komontrata sa kanila.


Nabanggit din sa report na magbibigay naman ng tulong ang kompanya para sa mga na iwan ng babaing performer.





 

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo