Bullet Jalosjos Tumangging Tinake-over Ng Kanilang Pamilya Ang Eat Bulaga!

Miyerkules, Abril 19, 2023

/ by Lovely


 Nagsalita na ang Dapitan City Mayor na si Bullet Jalosjos na kasalukuyang chief finance officer ng TAPE Inc., hinggil sa mga isyung pumapaloob sa longest running show na Eat Bulaga.


Ipinagdidiinan pa ni Bullet na hindi nila sinusubukang i-take over ang Eat Bulaga.


Inamin pa nito kay Tito Boy Abunda sa Fast Talk na kusang nagretiro umano ang ilang tao sa likod ng Eat Bulaga kabilang na si Tony Tuviera.


“Wala naman pong takeover. It just that people have been retiring. Si Tony Tuviera nag-retire na po starting March and Tita Malou Fagar also. So, it just right na pumasok na rin po and maging active ‘yung board of directors sa kompanya,” pagdidiin ni Bullet Jalosjos.


Itinanggi din ni Bullet na sila ang dahilan kung bakit nagretire si Tony Tuviera. Bago man umano nagka pandemic ay binabalak na ni Tony ang pagreretire.


Sa katunayan ay ang ama pa umano niya ang pumigil rito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo