Valentine Rosales Handang Mag-Sorry Kay Belle Mariano Sakaling Na-Offend Ito!

Biyernes, Abril 21, 2023

/ by Lovely


 Sa panayam ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz kay Valentine Rosales, hayagang sinabi ng huli na handa siyang humingi ng paumanhin kay Belle Mariano kung naoffend man niya ito sa kanyang komento.


Matatandaan na binatikos ng mga fans ng aktres na si Belle Mariano si Valentine Rosales matapos niyang ipahayag na hindi siya nagagandahan sa aktres.


Hindi rin nagustuhan ng mga fans ang pangungumpara ni Valentine Rosales kay Belle Mariano at Francine Diaz.


Subalit, inamin naman ni Valentine kay Ogie Diaz na handa siyang mag-sorry kay Belle Mariano sakaling magkita silang dalawa.


Handa rin umano siyang makilala ang aktres sa personal dahil mukha naman umano itong mabait.


"Hindi ko naman siya kilala as a person. Malay mo naman mabait 'uyung ugali. Malay mo naman mabait na bata. Hindi ako iiwas sa kanya, gusto ko siya makilala as a person if ever. 'Yun lang nagsasabi lang naman ako ng opinyon." 


"Ang mali ko dun, parang gusto kong purihin 'yung isa na nag-compare pa ako ng iba," pag-amin pa ni Valentine. 


"If ever na mapanood ito ni Belle Mariano or what, If na-offend ko siya, I want to apologize. kasi you have your own beauty may sarili kang kagandahan. At mabait yung ugali mo."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo