Rendon Labador, Nagreact Sa Ginawa Ni Vice Ganda Sa Kanyang Concert!

Linggo, Abril 23, 2023

/ by Lovely


 Tila nagtatapos na ang pambabanat ni Rendon Labador sa actor-director na si Coco Martin dahil may iba na itong napapansin, ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.


Sa latest video na ibinahagi ni Rendon sa kanyang Facebook account, naglabas siya ng kanyang saloobin sa pagrarant ni Vice Ganda sa kanyang concert sa Edmonton, Canada.


Kamakailan lamang, nag-viral ang video ni Vice Ganda kung saan inalmahan niya at pinagsabihan ang audience ng kanyang concert na humila sa kanyang wig.


Ipinunto pa ni Vice Ganda na kabastusan ang ginawa ng dalawang audience gayung ang ipinunta niya roon ay ang pagbibigay ng saya.


Dagdag pa ni Vice Ganda na dapat na humingi ng paumanhin sa kanya ang mga ito dahil disrespectful ang kanilang ginawa.


Samantala, naniniwala si Rendon Labador na dapat magbehave ng maayos ang mga fans lalo na kapag nasa isang concert at kaharap ang kanilang mga iniidolo kahit pa nagbayad naman sila sa ticket.


“Hindi porket bumili kayo ng ticket para sa isang concert o para sa isang show eh parang nabili niyo na ‘yung mga artist. Pumunta kayo doon para manood ng show, hindi para manabunot ng tao,” saad ni Rendon Labador.


“Paano kung panot, natanggal ‘yung buhok niya edi sira ‘yung career niya, hindi mo ba alam ‘yung personal space? tresspassing ka,” pagpupunto pa ni Rendon Labador.


Naiintindihan din umano ni Rendon kung bakit nainis si Vice Ganda sa ginawa ng dalawang fans dahil sa tagal na ini-stablish ni Vice ang kanyang showbiz career.


Ipinagdidiinan pa ng self proclaimed motivational speaker na palaging sinisigurado ni Vice Ganda na magmukhang presentable, kaya naman understandable umano ang ginawa ni Vice Gandang pagtalak sa dalawang fans na humila sa kanyang wig.


“Hindi madaling maging isang Vice Ganda, syempre pressure ‘yan, kailangan niyang protektahan ang sarili niya.”


Dagdag pa ni Rendon Labador na ang mga katulad nilang mga celebrity ay may karapatan ding protektahan ang kanilang mga sarili at ang kanilang personal space.


“Kayong mga tao naiintindihan kasi nasa baba kayo, hindi kayo successful, karamihan ng maiingay ay ‘yung mga failures sa buhay, yun ‘yung mga naiingit.”


Sa huli hindi kinalimutan ni Rendon Labador na paanyayahan si Vice Ganda at ang mga fans niya na kumain ng kanyang tinitindang motivational rice na sa kanyang resto bar lamang makikita.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo