Maggie Wilson, Napa-Thank You Sa Mga Resibo Mula Kay Rachele Carrasco?

Biyernes, Abril 21, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang naglabas ng panibagong hugot ang dating beauty queen at business woman na si Maggie Wilson kasunod ng pagbabahagi ni Rachele Carrasco ng bonding moments nila ni Victor Consunji at Connor kasama ang isang batang sanggol.


Bagama't hindi naman malinaw na inamin nina Rachele at Victor na anak nila ang sanggol, tila iniisip na ng nakararami na sa kanila nga ito dahil sa naunang pagbabahagi noon ni Maggie.


Ilang buwan na ang nakakalipas nang ibahagi ni Maggie na may isang kabit umanong nabuntis at tila ito na nga ang tinutukoy ni Maggie.


Samantala, tila kaagad na nagreact si Maggie Wilson sa mga larawang ibinahagi ni Rachele matapos niyang magrant tungkol sa pagbabawal na makita ang anak.


Hugot ni Maggie, "Thank you for the receipts."


Hindi man malinaw tila nagsasabi si Maggie na pinapakita na ngayon nina Victor at Rachele ang resibo ng kanilang relasyon.


Agad namang pinag-usapan online ang pagbabahaging ito ni Maggie Wilson. May ilan sa mga netizens na nagbigay ng suporta kay Maggie at pinapalakas pa ang kanyang loob.


"Its amazing how you turn your (we thought) weakness into power. Im praying for the justice that you really deserve."


Matatandaan na ipinahayag ni Victor Consunji sa kanyang official statement na sinampahan niya ng three counts of adultery si Maggie Wilson.


Tinawag pa ni Victor na isang fugitive si Maggie Wilson dahil tumakas umano ito at hindi hinaharap ang kanyang isinampang mga kaso.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo