TV5, Interesado Ipalabas Ang Eat Bulaga Kasama Ng It’S Showtime!

Biyernes, Abril 7, 2023

/ by Lovely


May malaking posibilidad na ipapalabas sa TV5 ang longest running TV show na Eat Bulaga na kasalukuyang ipinapalabas sa GMA7.


May mga kumakalat ngayong balita na nakikipag-ugnayan na umano ang iconic trio na TVJ sa pamunuan ng TV5 upang makipag-usap sakaling hindi naging maayos ang deal nila sa GMA7.


Matatandaan na nauna nang naiulat ang hindi pagkakaunawaan ng TVJ at ng bagong namumuno sa TAPE Inc.


Sakaling mangyari ang paglipat ng Eat Bulaga, magiging totoo ang isyung ito ang papalit sa dating timeslot ng Tropang LOL na huling mapapanood sa telebisyon sa darating na April 29, 2023.


Samantala, ang paglipat ng Eat Bulaga sa TV5 ay magdudulot pa umano ng malaking problema ng GMA dahil tiyak na bababa ang rating nito kung hindi sila makakakuha ng hit show na pamalit sa Eat Bulaga at nang iconic trio na TVJ.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo