Priscilla Meirelles Tinawag Na ‘Half Filipino-Half Filter’ Si Chiyo Dela Vega!

Biyernes, Abril 7, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang nagbigay ng maanghang na banat ang dating beauty queen na si Priscilla Meirelles sa itinuturong babae ng kanyang asawa na si Chiyo Dela Vega.


Matatandaang nakakuha ng atensyon ng netizens ang model at content seller na si Chiyo dela Vega matapos niyang i-post ang pag-uusap nila ni Priscilla, na nagtanong sa kanya tungkol sa relasyon nila ni John.


Matapos ang ilang sandali kaagad na binura ni Chiyo ang ibinahaging screenshot ng convo nila ni Priscilla.


Samantala, tila hindi pa rin nanahimik si Priscilla at muli na namang naglabas ng banat laban sa hindi naman niya pinangalanan subalit, iniisip ng mga netizens na ito ay walang iba kundi si Chiyo Dela Vega.


“Ganda mo sa picture. Siguro may lahi ka noh? Half Filipina, Half FILTER,” post ni Priscilla.


Matatandaan na nauna nang ibinahagi ni Priscilla ang kanyang selfie kung saan ipinahayag niyang hindi siya retokada.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo