Social Media Influencer Na Si Amber Lin, Binabash Ngayon Dahil Sa Pag-iinarte Sa Isang Date!

Lunes, Abril 10, 2023

/ by Lovely


 Nakakatanggap ngayon ng samu't-saring pambabatikos ang Cebu based social media influencer na si Amber Lin, matapos niyang ibinahagi ang video kung saan sinabi niyang tinanggihan niya ang pakikipagdate sa isang food court.


Ayon sa pagbabahagi ni Amber may isang foreigner na nagyaya sa kanya ng isang date. Agad naman umano niya itong tinanggap subalit nadismaya lamang siya dahil hindi naman pala ito nagreserve ng restaurant.


“Sinundo niya ako doon sa hotel, tapos tinanong ko siya kung mayroon siyang restaurant reservation, ang sabi niya wala.”


“Tapos sabi niya ‘I’m on my way’ ganun siya then I was like ‘why you don’t have table reservation?’, sabi niya ano nalang daw pagkita nalang daw namin at doon nalang kami mag decide kung saan kami pupunta," pagbabahagi ni Amber.


Hayagan naman niyang ipinahayag na hindi niya nagustuhan na hindi man lang nagpareserve ng restaurant ang kanyang nakadate.


“I hate that, I don’t like it. Tapos nung nagkita na kami sabi ko, ‘I wanna eat Japanese food’ tapos sabi niya ‘How about seafood?’ sabi ko ‘seafood is fine’ tapos sabi niya ‘okay let’s go’ it’s like a food court, you want me to bring to a food court, it’s like a hawker center."


Agad naman umanong tumanggi si Amber na kumain sa ganoong uri ng kainan at sinabing kaya umano niya pumunta sa mas maayos na restaurant.


“I don’t want to go there, you have to impress me. Ginanon ko siya.”


Sa huli, dinala na lamang siya ng foreigener sa mas maayos na restaurant. Matapos ang kanilang date, prinangka umano niya ang foreigner na hindi na sila magkikita at magdidate muli dahil sa masamang experience niya rito.


Agad namang umani ng negatibong komento mula sa mga netizens ang pagsasalaysay na ito ni Amber. Ayon sa kanila, napaka-arte umano nito at napakamapagmataas.


"gold digger yan..ayaw sa food court pongko pongko ang gusto.. heheh"


"At sa "AFAM" kapa talaga nag set ng standards mo teh ha.. nabasa tuloy ugali mo."


“Don’t get me wrong, I know a lot of you girls have worked your ars out to set things you called “standards.” Pero yung arti na ganito, that is not setting a standard at all, tawag diyan “pag mamataas”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo