Pokwang Nagbantang Idedemanda Ang Kanyang Mga Bashers!

Lunes, Abril 10, 2023

/ by Lovely


 Binalaan ng komedyanteng si Marietta Subong, na mas  kilala bilang Pokwang, ang kanyang mga basher na itigil na ang pagbibigay sa kanya ng masasamang komento laban.


Tila napuno na ang komendyante at handa nang ireklamo ang mga ito.


Matatandaan na naging sunod-sunod ang pambabanat ni Pokwang sa kanyang dating kinakasama na si Lee O'Brian.


Inilahad din ni Pokwang na handa niyang labanan si Lee at kaya niyang buhayin ang kanilang anak kagaya na lamang sa paglaban niya sa ate nito nito.


Marami naman ang nagpahayag ng pagsuporta kay Pokwang, subalit hindi rin maipagkakailang may mga bumatikos sa komedyante dahil sa pagiging bitter umano nito.


“Di maka move on? Saksi kc kami sa mga food fair na sinasalihan nyo ni Mr lee. At vlogs nyo din.. at kumikilos din nman yung tao admit it or not."


"May mga naging participation din naman siya. Di mo lng kasi mtnggap na nakkita siya ng ibang babae hbang hiwalay kayo. #Move on na. Nakkita tuloy ng mga tao ang ibang di knais nais mong paguugali. ”


Agad naman itong pinatulan ni Pokwang at pinagbantaan na isama niya sa kanyang pagdedemanda lalo na't expertise ng kanyang lawyer ang maghanap ng accounts.


Subalit hindi pa rin umatras ang netizen at sinabihan pang palengkera si Pokwang  at galit na galit sa mundo.


Agad namang bumwelta si Pokwang at sinabing kinunan niya ng screenshot  ang komento ng pakialamerang netizen.


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na may inireklamong basher si Pokwang.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo