Sikat Na Tv Host Kumawala Na Sa Kontrata Niya Sa Tv Network!

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Jerome


Inilabas na daw ng isang informant tungkol umano sa napabalitang nagbitiw na daw ang TV host na si Willie Revillame sa kanyang game show na Wowowin.



 Ayon sa Informant ay hindi daw nagresign si Willie kundi nagparelease lamang daw ito ng kanyang exclusive contact sa AMBS o sa Advance Media Broadcasting System.


Sa sulat daw na ipinadala ni Willie Revillame kay AMBS owner at dating Sanate President Manny Villar noong unang linggo nitong nakaraang buwan ng Marso.


Doon nga ay sinabi niyang ayaw niyang maging burden kaya nagdisesyon siya na ipawalang besa ang kanyang kontrata.


Hindi daw umano kaya ng kanyang konsensya na tumanggap ng sweldo kahit na hindi nagtatrabaho habang naka paused ang mga programa ng ALLTV dahil sa patuloy na pag-aayos at pagpapalawak ng signal ng TV station na pagmamay-ari ng pamilya Villar.


Bukod sa malapit sa kanyang puso ang ALLTV network at ang kanyang programang Wowowin ay mahalaga din daw sa kanya ang kapakanan ng kanyang mga tauhan na may mga pamilya rin na binubuhay.


Kaya naman kaylangan daw na mabigyan niya sila ng mapagkakakitan.


Hindi daw naging madali para kay Willie na iwan ang ALLTV network.


Pero tumatanaw naman daw ng utang na loob si Willie sa mga Villar na sumuporta sa kanyang mga programa noong nasa ABS-CBN pa siya hanggang sa pag lipat niya sa TV5 at sa GMA7.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo