Video Ni Alex Gonzaga Muling Nag Viral! Kasama Sina Angeline Quinto at Aljur Abrenica!

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Lovely


Muli na namang naging laman ng usapin sa social media ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga, matapos ibinahagi ang isang video kasama sina Angeline Quinto at Aljur Abrenica.


Sina Alex Gonzaga, Aljur Abrenica at Angeline Quinto ay magkakasama sa pelikulang Single Bells na isa sa mga entry ng Summer Metro Manila Film Festival.


Kaya naman magkakasama ang tatlo sa naganap na Parade of Stars. Sa isang video na ibinahagi ng isang social media user, makikita si Alex Gonzaga sa stage kung saan makulit na tinatanong ang mga audience.


Ilang sa mga tanong Alex, “Sino rito ang sawang-sawa na sa jowa niya?” / “Sino rito ang dalawa ang jowa?” / “Sino rito ang pinagpalit?”


Subalit, ang nakakuha ng pansin ng mga netizens ay ang tanong ni Alex tungkol sa taong nanloko.


“Sino rito ang nangloko?”


Nang marinig ito, agad na sumigaw si Angeline ng “Hoy!” habang si Aljur ay nakitang napakamot na lamang sa kanyang ulo.


Nauna rito, ay ang pag-amin ni Aljur na siya ang unang nagloko sa relasyon nila ni Kylie Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo