Ivana Alawi Natatak0t Makipag-Date Dahil Sa Mga Nababalitaan Ngayon!

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ng vlogger at sexy actress na si Ivana Alawi na hindi pa siya handang makipag-date at pumasok sa isang relasyon.


Kamakailan lamang sa isang vlog, naitanong ni Mona kay Ivana kung handa na ba ito sa isang relasyon dahil single naman umano ito.


Ayon pa kay Mona, marami umano ang nagtatanong at nais malaman kung may dinidate na ba ang kanyang kapatid.


"Wala na talaga kahit dinner. As in, pero may text. Pero dinner, lumalabas, hindi pa," pag-amin naman ni Ivana.


Dagdag pa ni Ivana na baka sa susunod na taon na lamang siya makikipagdate at baka sa panahon na iyon ay ready na siya.


Inamin rin ni Ivana na natatakot siya sa mga nakikita ngayon at nababasa sa mga balita tungkol sa mga hiwalayan at kung ano-ano pa sa isang relasyon.


"Wala lang natatakot lang ako sa mga napapanood ko saka mga nakikita ko naghihiwalay."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo